Welcome!

You need to sign in to create slam book.
Sign Up or Sign in with Facebook. I already have an account.

Quarantine Ko
Mga qawain namin para malampasan ang pandemic na ito. Nakakatamad pero mas nakakapraning kung tutunganga na lang.
475 0
Pang-aliw
Q Anu-ano ang mga bagay na ginagawa niyo ng pamilya para hindi ma-bored?
A Nanunuod ng mga palabas. Dahil nasira ang TV plus, wala na kaming balita. Puro Facebook galing ang balita namin. Nagtatanim na din ako pero sa simula lang din. Tinanggal ko dahil parang gubat na ang harapan namin.
Q Anu-ano ang mga pinanuod mo ngayong lockdown?
A The Flash series, Silicon Valley, The Orville, Family Guy at mga movies about adventure. Binalikan ko ang mga 80's and 90's movie kagaya ng Indiana Jones at iba pa.
Q Anong palabas ang nadiscover mo ngayong pandemic?
A Mga x-mas movies na ang pinapanuod namin ngayon. Mayroon akong napanuod about Santa claus. Animated movie, Klaus ang title. Meron pang isa na maganda din, The Christmas Chronicles. Sarap maging bata ulit.
Q Ano ang naitulong sayo ng pagtatanim ng halaman?
A Sabi nila na-iimprove daw ang mental health at sa tingin ko ay too iyan. Pagkakagising mo may gagawin ka. Icheck kung may bagong bulaklak. Magdidilig at magtanggal ng mga damo. Bukod pa yan sa mga gawain mo sa bahay.
0
0
Pangamba
COVID
60%
Mawalan ng trabaho
10%
Mabaliw
30%
0
0
Mga Magandang Nangyari
1. Nagkasami kami ng matagal ng pamilya ko.
2. Nahasa ko pa ang skills ko sa Graphic Arts.
0
0
PARANOID
1. KAUNTING KATI NG LALAMUNAN Nag-mask na kaagad ng dalawang doble at nag-isolate. May DIY face cover pa. Hindi na ako makahinga..
2. After lumabas ng bahay Ligo kaagad at palit ng damit. Alcohol sa kamay sa paa at kung saan saan. .
3. Bawal ang Sapatos Mga sapatos ko nasa labas. 3 ang nasirang sapatos dahil humiwalay na ang swelas pagkatapos ng ilang araw sa labas..
0
0
Ano ang Natutunan Ko Ngayong Lockdown
Siguro ang pinakamahalagang natutunan ko ngayong panahong ito ay dapat pala na mabilis kang magdecide ng tama sa mga bagay na pagdedesisyunan mo. Pwedeng maging advantage pero pwede ring dissadvantage pero kailangan mo lang talagang panindigan yung dahilan kung bakit nagawa ang isang desisyon. Bago pa maglock down ay naramdaman ko ng maaring lumala ang crisis. Ang pinakanakababahalang pahiwatig ay nung matigil ang pag-aaral sa buong Pilipinas. Kung mabilis lang sana kaming nakauwi ng probinsiya, cguro hindi kami nababahala ngayon para sa kaligtasan ng aming mga anak.Siguro mas safe sila doon sa probinsiya pero hindi pa din natin yan masisiguro. Sa kabilang banda naisip ko din na sa magulang pa din matatanggap ng mga bata ang pinakadabest na aruga. Nakita ko din ang ibang mga magulang na hindi nakatiis at kinuha pa din ang kanilang mga anak after how many months. Sana matapos na din ito.
0
0
Mga Plano Ko Pang Gawin
Sa Bahay: Ayusin mga pwedeng ayusing sira. Mag-improve man lang kahit kaunti ang bahay kase matagal kang mamamalagi ngayon.
Gumawa ng Side-project: Kahit anong naisip mo cguro basta pwedeng pagkakitaan. Kailangan mo lang makaisip ng isang konsepto na pwedeng pumatok. Iniisip ko ang gumawa ng isang kakanin business.
0
0
Mga Experiences
Q Pinakamahirap so far
A Maglakad ng isang oras para makabili ng pagkain tapos malalaman ko pwede palang magtricycle. Nakakatawa pero totoo..haha
Q Naghintay ng Relief goods
A Inipon ko ang mga delata at tumagal din sa amin.. Mas nakaka-awa talaga ang ibang walang makain. May mga baby na walang gatas nung panahon na yun.
Q Hindi lumabas ng bahay sa loob ng isang Linggo
A Parang achievement ko ito. Ang iba umaabot ng ilang Linggo.
Q Ubos pera
A Wala ng pangkain minsan pero nagagawan ng paraan. Madami namang gulay.
0
0
Mga Pangyayari
Ipinatigil ang Klase: Nagdulot ng pangamba ito sa aming pamilya. Nakakatakot din nung panahon na yon dahil kulang pa ang impormasyon. Lahat ng tao ay paranoid. Nagkaubusan ng alcohol. Ippinakita ng mga tao ang kanilang pagiging makasarili sa oras na sa dapat magtulungan.
Nagkaroon ng Iba't-Ibang Ordinansa: Naghigpit ang bawat lugar. Nahirapan ang mga nagtratrabaho. Ang iba nawalan ng trabaho. Bawal na ang mga bata lumabas. Isang tao nalang ang pwedeng lumabas sa bahay. Nagkaroon ng schedule kung anong barangay ang pwedeng lumabas.
Nagkaisyu sa pamimigay ng tulong: Philhealth ang pinakamalaking balita tungkol dito. Kaya lang wala naman tayong magagawa diyan dahil sila ang nasa puder. Hayaan nalang.
0
0
Mga Dapat Iwasan
1. Pagiging Kampanti
2. Pag-higa o pag-upo ng matagal
3. Pagiging mabait sa kapitbahay
4. Pagiging tamad dahil kailangan ka ng pamilya mo
5. Pagiging palakaibigan dahil kung sobrang bait ka at palakaibigan, pwede mong makasalamuha ang isang taong may sakit na pala.
6. ONLINE SHOPPING
0
0
Sana Lang
1. Mawala na ang COVID virus at bumalik na sa dati. Dumadaan ang oras at madaming oppurtunity para sa pamilya ang nawawala.
2. Sana makabalik na ako sa dati kong trabaho para naman hindi na ako mabaliw sa bahay.
3. Sana makabakasyon ako sa probinsiya. Ilang taon na akong hindi nakakabalik sa probinsiya ko.
0
0

Copyright 2022, STIKAH.COM | About | Privacy Policy