Welcome!

You need to sign in to create slambook.
Sign Up or Sign in with Facebook. I already have an account.

Ambisyosong Tamad
Mahirap maging seryoso sa buhay. Ito ang pinakatotoo kong plano sa buhay at mga bagay na pinapahalagahan ko.
0 0
Tamad
Gawaing Bahay: Inaanay na ang cabinet, kailan mo pa aayusin?
Trabaho: Tambak na ang trabaho mo boy! Hindi ka yayaman sa kakaupo at kaka-scroll sa facebook na yan.
Sa sarili: Wag mong sabihing napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa pamilya mo dahil para lahat sa sarili mo lahat ng ginagawa mo. Selfish ka at alam mo yan sa sarili mo.
0 comments
130 likes
Report
Di Ko Gusto ang Mga Ito
1. Magpalakas para makakuha ng pabor sa isang tao. Kung hindi mapapansin ang worth ko, kawalan nila yun. Pero kailangan ko pa talagang mag-improve for the better. Di ko kayang mambola ng tao.
2. Maliitin ang ibang tao. Naniniwala ako na lahat ng tao ay dapat igalang at irespeto kahit ano pa ang katayuan niya sa buhay. Kung minsan hindi natin nararadaman ay nalalait na pala tayo o nakaksakit ng damdamin. Kung nakakagawa ako ng ganyan at naisip ko bago matulog na mayroon akong taong nasaktan, hindi ko iyon nakaklimutan kahit umabot pa ng sampung taon. At di ko talaga kinakalinutan on purpose. Nakaktulong iyon para manatiling nakatapak ang aking paa sa lupa. Pwede tayong magkamali lahat.
0 comments
974 likes
Report
Simpleng Buhay
VS
0 comments
301 likes
Report
Priorities
Greener Pasture
57%
Spending Time w/ Family
40%
Other
50%
0 comments
201 likes
Report
Ano Ba?
Q Ano ba ang una mong gagawin kapag nagkaroon ka ng maraming pera?
A Bibili ng lupa malayo ng kaunti sa siyudad. Pagawa ng bahay. Simulang i-enjoy ang buhay. Magresign sa trabaho kung sapat ang pera. Mag-negosyo o kung hindi mag-vlog nalang.
Q Ano ba ang isang bagay na magpapasaya sayo?
A Comfort with family
Q Ano ba ang pinakaayaw mo sa lahat?
A Tunog ng orasan
Q Ano ba ang pinakamasayang sandali ng buhay mo?
A First time makita ang anak
0 comments
801 likes
Report
Bakit
Q Bakit palagi kang nakaupo at nag-cocomputer?
A Gusto kong mapatunayan na maaaring umunlad ang isang tao kahit sa maliit na effort niya basta alam niya lang ang ginagawa niya at malinis ang konsensiya. Isa pa, dito ako masaya. Kasama ko pamilya ko at may trabaho ako. Masaya ako sa ginagawa ko at dahil selfish ako, walang makakapigil sa akin.
Q Bakit hindi ka magsumikap para mapromote?
A Sa nakikita ko, maraming umaangat sa buhay sa paraang kailangan nilang mantapak ng ibang tao. Hindi ko kayang makipag-agawan sa promotion. Ayaw kong magbigay ng effort sa isang bagay na maaring magbigay sa akin ng frustrations.
Q Bakit sa tingin mo magtutupad ang mga gusto mo?
A Kasi lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay ginusto ko. Pangarap ko lang dati lahat. But then, part being a human na greedy, gusto pa ng mas magandang blessings sa buhay. Sa tingin ko may mangyayari. In 2 year time, nag-improve ang chance ko in almost 8 years of waiting and failing..
0 comments
801 likes
Report
Oo Isip Bata Ako
1. Mabilis akong maloko at mapaikot kaya kaialangan kong makisip ng solusyon tungkol diyan..
2. Madaling magalit kaya minsan mas gusto ko mag-isa..
3. Madaling ma-please at parang uto-uto..
4. Walang pakialam sa mundo dahil ako nagpapatakbo ng buhay ko. Di ko kailangan sundin lahat ng sinasabi ng tao. Alam ko ang magpapasaya sa akin. Wala akong pakialam sa gusto ng iba basta wala tayong pakialamanan. Sa tingin ko lahat ng tao ay gusto ng ganyan..
0 comments
800 likes
Report
Pinakamahalaga
Ako ay makasarili. Kahit sinasabi ko na ang priority ko ay pamilya. Napatunayan ko na sa sarili ko na uunahin ko ang aking mga pangangailangan. Nakakahiya pero inaamin ko sa sarili ko na ganyan ako. Iniisip ko na dahil sa aking kahinaan kailangan kong mag-improve at mapigilan ang sarili kong maging selfish sa lahat nga pagagakatong kaya ko. Kung hind ko kaya ay hayaan nalang at aminin sa sarili na nagkamali at bumawi sa mga susunod na araw. Ang sarili ko ang pinakamahalaga sa lahat dahil nakadepende ang aking pamilya sa aming mag-asawa. Kailangan kong i-lead ang pamilya ko. Handa akong makinig sa iba dahil hindi ko alam ang lahat. Kailangan kong maging haligi ng pamilya dahil ito ang pangunahin kong purpose sa buhay. Hindi ko iyon magagampanan kong hindi ko makukuha ang mga bagay na nagpapasaya sa akin kaya inuuna ko ang aking sarili.
0 comments
700 likes
Report
Gusto Aklat
An image for the section Gusto Aklat
1 comments
499 likes
Report
Mga Bagay na Pwedeng Pakinabangan
1. Ang pagiging isip-bata ko ay maaring pakinabangan. Ang mga kabataan ay madaling gumastos sa mga bagay na pagtumagal maiiisip nilang hindi naman talaga nila kailangan. Mabili silang mag-decide. Sa tingin ko ay pwede itong mapakinabangan sa paraang alam ko kung paano sila mag-isip.
2. Mas mabilis akong kumilos kung hindi para sa akin ang effort na gagawin ko. Kailangan ko lang ng taong tutulak sa akin at magagawa ko ang isang bagay.
3. Ang pamilya ko ang aking inspirasyon sa lahat. Isinasakripisyo ko ang ilang oras para sa mga gawain ko. Kailangan kong maka-isip ng ibang paraan para kumita ng mas malaki. Gusto ko maibigay ang komportableng buhay para sa aming pamilya. Madami akong gustong gawin. Gusto ko kaagad mag-retire para ma-enjoy ko pamilya ko na walang iniisip na problemang financial.
0 comments
31 likes
Report
Laman ng Isip Ko
Una: Pamilya Ko
Pangalawa: Sarili Ko
Pangatlo: Comfort in Life
Pang-apat: Oras
Panglima: Kasiyahan sa Buhay
0 comments
101 likes
Report
Gusto Kong Luho
1. Gusto ko ng mas komportableng bahay. Yung kaunti lang ang gamit. Hindi ko alam kong magiging masaya ako dun pero ito ang isa kong motivation para umunlad.
2. Gusto ko ng sasakyan para sa pamilya ko. Makapunta na kami sa mga lugar na gusto naming puntahan kung may sasakyan. Pero hindi ito ang priority.
3. Makabili ng lupa na pwedeng bakasyunan. Gumawa ng bahay dun tapos magbakasyon. Gumawa ng treehouse at panuorin ang mga batang mag-enjoy. Ito ang tunay na kaligayahan ko sa buhay pag nagkataon.
4. Magkaroon ng library sa bahay. Gusto ko talaga ng mga aklat. Encyclopedia, kahit ano basta may babasahin lang. Ang sarap magbasa. Lalo na ngayong iba na ang panahon. Talagang tunay na luho ang pagkakaruon ng library.
0 comments
130 likes
Report
Mga Bagay na Hindi Ko Kaya
1. Humingi ng pabor
2. Makipagplastikan
3. Iwanan ang pamilya ko
4. Maging masipag
0 comments
922 likes
Report

Copyright 2021, STIKAH.COM | About | Privacy Policy